Monday, May 25, 2009

The Puerto Galera Tragedy

Lumabas sa balita kelan lang yung tumaob na bangka papuntang Puerto Galera kung san marami yung nalunod at namatay. Sobra-sobra daw sa passenger limit yung sinakay sa bangka, nasabayan pa ng malalakas na alon, ang resulta alam mo na.

Nakakainis lang isipin dahil ang masama pa dito, may dumaan pa na mga bangka at nakita yung tumaob na bangka pero imbis na tumulong, nilagpasan lang ito habang pinipicturan at vinivideohan yung lumulubog na bangka at yung mga nalulunod na pasahero. Kung ako nasa lugar ng mga nalulunod (knock-on-wood) malamang pinagmumura ko na silang lahat. Nung dumating pa yung rescue boat (na malamang late na), naunang kunin yung mga gamit kaysa yung mga survivors. Kung may lakas lang yung mga survivors e baka hinila na nila pababa sa tubig yung mga yun.

source: http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20090525-206929/2-boats-passed-by-but-did-not-help

Ang pangalan ng bangkang tumaob, Commando 6. Kung napadpad ka na sa Bantangas pier, mapapansin mo kagad yung mga bangkang Commando dahil sa rami nilang naka-station sa pier. Pag papansinin mo yung mga bangkang andun, halos pare-pareho lang sila ng itsura, parang pangalan lang talaga pinagkaiba. So saan nagkatalo? Nalaman ko na hindi lang pala sa takbo at itsura ng bangka mo sila pwedeng ikumpara, kundi pati sa pag-iingat ng crew na kumokontrol dito.

Natandaan ko yung Commando nung pumunta kaming Puerto nitong summer lang dahil eto yung bangkang nag-overtake samin, at inisip pa namin na sana andun kami sa bangkang yon para mas mablis makarating ng Puerto. Naranasan ko rin yung bumiyahe dun na may malakas na alon, pero actually nag-enjoy pa ko heheh..ngayon sakaling bumalik ako at malakas ulit ang alon, malamang tahimik na lang ako.
Inisip ko pa naman nun na malabo mangyari tumaob yung bangka dahil malakas man yung alon, parang hindi ganon kalakas para pataubin yung bangka, tska mukhang alerto at sanay na sa pagmamaneho ng bangka yung crew ng bangka. Obviously, mali ako dito. May mga tao talagang isusugal yung buhay ng iba para lang kumita. Pfft.

(Mababasa rin sa http://moymoymoy.multiply.com)

No comments:

Post a Comment