Ngayon ay opisyal kong inuumpisahan ang pagubos ng mga natitira kong vacation leaves para sa fiscal year ng '08-'09. Syempre sinakto ko na sa Monday at Tuesday para mahaba-habang weekend. Masarap din yung alam mong may trabaho ka at paminsan-minsan pwede ka magpapetiks sa bahay, walang inaatupag kundi rumaket ng kung anu-ano at palipasin ang oras sa mga walang kakwenta-kwentang libangan habang yung mga ka-opisina mo naka mighty bond ang mga pwet, nangingitlog sa kani-kanilang upuan habang nakababad ang mga mata sa computer. Pero ok lang yun, kahit na walang raise ngayong taon, hehe..
may trabaho naman diba. Sabi nga ni binoy, tink pasitib. Para sa boss kong sakali nagbabasa nito, joke lang, mahal ko naman yang trabaho ko..syempre, no choice naman e.hehe di, biro lang, walang alisan ng gamit sa workstation a.
Pero hindi lang naman dahil sa katamaran kung bakit ako naka-leave. Ngayon din kasi ako nakachedule para bunutan ng wisdom tooth. Wala daw akong dapat ikabahala sabi ng kapatid ko. Wala naman daw syang naramdaman na sakit or wat-sow-ebah habang inooperahan o kahit na pagkatapos pa non, nung sya yung binunutan ng ngipin. "Ayos", sa loob-loob ko. Pero hindi naman ako kinakabahan e, curious lang talaga ako kung posible bang ibang ngipin yung mabunot, o mahulog yung karayom sa ineksyon at malunok ko habang nakanganga, o hindi na ko makasalita pagkatapos. Parang pamilyar yung pakiramdam na to noong bago ako tuliin—gusto ko lang matapos na kaagad. Isip ko, balik na ulit ako sa mga raket ko pagkatapos nito.
Pinakita sakin yung x-ray ng panga ko para malaman mabuti yung position ng wisdom tooth. Naka-slant ng unti, nakasandal sa katabi nyang molar. Ewan ko ba kung bakit kung san-san direksyon tumutubo yang mga wisdom tooth na yan, parang wala sa sarili, wisdom pa naman tawag. Anyway, kailangan daw muna hiwain yung wisdom tooth dahil mas madali daw bunutin pag natanggal yung parte na nakadikit sa isa pang molar.
Ilang sandali lang sinimulan na yung operasyon, umabot din to ng mga 1 oras. Dun ko lang naranasan magmumog sa sarili kong dugo. Kahit may anesthesia, ramdam pa rin yung pagbanat sa buto. Nararamdaman ko yung paghila ng ngipin na parang ayaw makalas sa panga. Sabi ng dentista, masyado daw kasi malaki yung wisdom tooth ko, at hindi daw ibig sabihin nun matalino ako.ohhh..okey.lol. Kahit papano pampalubag-loob yung naririnig ko yung Game 7 na laban ng Celtics at Magic, nanggagaling sa TV na nasa kabilang kwarto. Sayang talo Boston, kudos na lang sa Orlando.
Natapos din ako bunutan matapos mawalan ako ng para bang balde-baldeng dugo sa bunganga. Sa wakas, tapos na yung isa..yung nasa kaliwang panga na lang hehe. Pagkauwi sumasakit na yung parteng binunatan at dumudugo ulit, tinext ko yung dentista tungkol dito para malaman kung ano gagawin. Nagreply, "Yes naman may wound"....
Mmmm hokey, so ANO NA GAGAWIN KO? Buti nagtext ulit ng matinong sagot, malakas din pala mantrip tong dentista ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment