Monday, June 15, 2009

Pacquiao vs. Cotto in November

http://www.boxnews.com.ua/en/news/5426/2009-06-15/Pacquiao-Orders-Arum-To-Make-Cotto-Bout-Nov-14

Saturday, June 6, 2009

Marie Digby - Live in Manila! :)

Just received news na pupunta si Marihyeyy Digby dito sa Pinas! Though yung details ng concert di pa alam hehhe..Buti naman naisipan nyang pumunta dito, marami matutuwa nyan ang ganda-gand..este, ang galing-galing kasi nya! :) Sana tuloy na to, sugod!

http://blog.edarevalo.net/marie-digby-live-in-manila/
http://www.mukamo.com/marie-digby-concert-manila-philippines/

(plug: http://moymoymoy.multiply.com)

Monday, June 1, 2009

NBA Finals '09: Lakers or Magic?

It's the Lakers versus the Magic--that's right, there's no Lebron, no KB24-LJ23 showdown, that may have to wait for at least next season. NBA fans need not worry anyway, the finals matchup should be an interesting one. I won't mention playoff averages or stats here, just insights on the upcoming NBA Finals showdown. Magmamarunong muna ako hehe..

Fisher - Alston

Though Fisher is a proven clutch player, an excellent shooter, and has more playoff experience, I would give the advantage to Alston. Not only because he is quicker, faster, and a good shooter but Fisher has become the weakest link of the LA defense. Like the other opponents faced by the Lakers in the playoffs, Fisher's defense will be attacked constantly. I'm expecting Alston to be more agressive on offense.

image source: NBA.com
Bryant - Lee/Pietrus

Kobe will eat Lee's defense, no discussion there. Expecting the double team on Bryant is already given. I wouldn't be surprised either if Orlando throws different defenders to Bryant, including Turkoglu, Pietrus, and maybe even Lewis. We may also see Pietrus on the starting five if needed. Lee and Pietrus should continue to be productive as what they did against the Cavs. They should be ready for Howard's kickout pass.Ariza - TurkogluThese players are both versatile, can shoot the outside and can contribute on almost all facets of the game. Turkoglu's playmaking skills gives him the advantage, however. But the task isn't easy for Hedo either, he should expect a tough time dealing with Ariza's defense.
Ariza - Turkoglu

These players are both versatile, can shoot the outside and can contribute on almost all facets of the game. Turkoglu's playmaking skills gives him the advantage, however. But the task isn't easy for Hedo either, he should expect a tough time dealing with Ariza's defense.

Odom - Lewis

Similar to the Ariza-Turkoglu matchup, both can deal with the opposing player, and both can fill up the stat sheet from points and assissts, to rebounds and steals. While, Odom is a better inside player, Lewis is deadlier from the perimeter. It's a question of who will be able to make most of his advantage. I call this matchup even.Gasol/Bynum - HowardChalk one up for the Magic. Unless Gasol or Bynum becomes really aggressive, D12's going to wreak havoc inside, which would attract double/triple team and then would allow Orlando's shooters to sink 3-pointers all night.


Bench - I believe the advantage here belongs to LA. Four other Lakers not mentioned above can give valuable contribution off the bench namely Walton, Brown, Farmar, and Vujacic. The Lakers would especially need Vujacic's outside shooting. For Orlando, three other players on their roster that can really help out off the bench--Gortat, Johnson, and, if Stan Van Gundy opts to use him, JJ Redick.

Key points for victories would obviously revolve around the dominance of Kobe Bryant or Dwight Howard and which supporting cast can contribute most.

My call: Lakers, six games at least.

Monday, May 25, 2009

The Puerto Galera Tragedy

Lumabas sa balita kelan lang yung tumaob na bangka papuntang Puerto Galera kung san marami yung nalunod at namatay. Sobra-sobra daw sa passenger limit yung sinakay sa bangka, nasabayan pa ng malalakas na alon, ang resulta alam mo na.

Nakakainis lang isipin dahil ang masama pa dito, may dumaan pa na mga bangka at nakita yung tumaob na bangka pero imbis na tumulong, nilagpasan lang ito habang pinipicturan at vinivideohan yung lumulubog na bangka at yung mga nalulunod na pasahero. Kung ako nasa lugar ng mga nalulunod (knock-on-wood) malamang pinagmumura ko na silang lahat. Nung dumating pa yung rescue boat (na malamang late na), naunang kunin yung mga gamit kaysa yung mga survivors. Kung may lakas lang yung mga survivors e baka hinila na nila pababa sa tubig yung mga yun.

source: http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20090525-206929/2-boats-passed-by-but-did-not-help

Ang pangalan ng bangkang tumaob, Commando 6. Kung napadpad ka na sa Bantangas pier, mapapansin mo kagad yung mga bangkang Commando dahil sa rami nilang naka-station sa pier. Pag papansinin mo yung mga bangkang andun, halos pare-pareho lang sila ng itsura, parang pangalan lang talaga pinagkaiba. So saan nagkatalo? Nalaman ko na hindi lang pala sa takbo at itsura ng bangka mo sila pwedeng ikumpara, kundi pati sa pag-iingat ng crew na kumokontrol dito.

Natandaan ko yung Commando nung pumunta kaming Puerto nitong summer lang dahil eto yung bangkang nag-overtake samin, at inisip pa namin na sana andun kami sa bangkang yon para mas mablis makarating ng Puerto. Naranasan ko rin yung bumiyahe dun na may malakas na alon, pero actually nag-enjoy pa ko heheh..ngayon sakaling bumalik ako at malakas ulit ang alon, malamang tahimik na lang ako.
Inisip ko pa naman nun na malabo mangyari tumaob yung bangka dahil malakas man yung alon, parang hindi ganon kalakas para pataubin yung bangka, tska mukhang alerto at sanay na sa pagmamaneho ng bangka yung crew ng bangka. Obviously, mali ako dito. May mga tao talagang isusugal yung buhay ng iba para lang kumita. Pfft.

(Mababasa rin sa http://moymoymoy.multiply.com)

On Tabloids, Katrina Halili-Hayden Kho scandal

Sa pinas, kapag gusto mo malaman kung ano yung pinaka mainit na balita (ibig sabihin yung pinaka pinag-uusapan, hindi yung pinaka importante), tumingin ka sa tabloid. Mapapansin mong kadalasan sa frontpage eh yung mga balita hindi kung sino ang nag walk-out sa senado, hindi tungkol sa tumaas na presyo ng bigas, hindi kung ano nangyari nung Araw ni Ninoy, at lalong-lalo na hindi kung sino ang ginawang bagong PNP Chief ni GMA, pakialam naman natin dun?? wala naman pinagbago hehhe..peace sa mga taga-gobyerno dyan :D

Yung talagang bumibida ay yung mga balitang pang chismis: mga ni-chopchop na katawan, mga natagpuang fetus sa basurahan, mga kambing na nanganak ng aso, at yung mga walang kamatayang balitang showbiz. Lalo na kung sino nagbreak, sino nagpakasal, nabuntis, nag-away, o sinong child actress ang naging sexy star. Bagamat napansin ko ang mga ito, hindi ako madalas magbasa ng tabloid kahit nagmura pa presyo nito ngayon. At kung showbiz lang ang pag-uusapan ngayon, wala na sigurong dadaig pa sa balita tungkol sa scandal nila Katrina Halili at Hayden Kho. Panigurado
na-frontpage na to. Sawa ka na rin siguro sa balitang to, pero ayos lang, wala akong pake heheh.

Pinanood ko yung video. Gusto ko alamin kung ano ba tong pinagkakaguluhan ng mga tao, gano ba talaga to kalaswa para maintindihan ko kung bakit ganon na lang ang himutok ni Bong Revilla..at para na rin hindi ako can’t-relate pag eto na yung kwentuhan. Naisipan ko na rin tuloy na gawing topic ito para sa blog ko. Ika nga ni pacquiao, "Notting pirsunal..just doing my job, you know??" Kung di mo pa napapanood yung video, hindi ko na ito irerekumenda kahit na alam kong igu-google mo rin yan mamaya.


Alam na ng lahat na malaswa yung video. Ang di alam ng marami, may bahid rin ito ng comedy—si Hayden na gumanap bilang naulol na bading. So pano na lang yung kantang Careless Whisper? Nung minsan pinatugtog yun sa sinasakyan kong bus pauwi, maririnig mo yung ilan sa mga pasahero nagsimulang magchismisan tungkol sa scandal video, pati na rin kung anu-ano pang ibang mga scandal na lumabas dati tulad nung La Salle scandal, UST scandal, Dumaguete scandal; kulang na lang yung Hello-Garci. Dahil dito, malamang sa ngayon meron at least isang tao sa Pinas na ang ringtone ay walang iba kundi yung Careless Whisper. Ganon na yung kanta ngayon—may tattoo ng scandal.

May sabi-sabi na hindi lang daw si Katrina Halili yung nabiktima kundi iba pang mga babae ni Hayden, mas malala pa nga daw yung iba. Kung magpatuloy yon, babahain na naman sya ng sermon ni Captain Barbel. Pero kahit pa na ganun ang galit kay Hayden Kho ng karamihan sa mga tao lalo na yung mga babae (excluding Vicki Belo), parang wala lang sa kanya. Naisip na nya siguro na sakali mang tanggalin yung lisensya nya sa pagiging doktor, pwede pa syang mag cameraman. Swak sa mga gag show, magsawa sya sa hidden camera.

Gano Katalino ang Wisdom Tooth?

Ngayon ay opisyal kong inuumpisahan ang pagubos ng mga natitira kong vacation leaves para sa fiscal year ng '08-'09. Syempre sinakto ko na sa Monday at Tuesday para mahaba-habang weekend. Masarap din yung alam mong may trabaho ka at paminsan-minsan pwede ka magpapetiks sa bahay, walang inaatupag kundi rumaket ng kung anu-ano at palipasin ang oras sa mga walang kakwenta-kwentang libangan habang yung mga ka-opisina mo naka mighty bond ang mga pwet, nangingitlog sa kani-kanilang upuan habang nakababad ang mga mata sa computer. Pero ok lang yun, kahit na walang raise ngayong taon, hehe..
may trabaho naman diba. Sabi nga ni binoy, tink pasitib. Para sa boss kong sakali nagbabasa nito, joke lang, mahal ko naman yang trabaho ko..syempre, no choice naman e.hehe di, biro lang, walang alisan ng gamit sa workstation a.

Pero hindi lang naman dahil sa katamaran kung bakit ako naka-leave. Ngayon din kasi ako nakachedule para bunutan ng wisdom tooth. Wala daw akong dapat ikabahala sabi ng kapatid ko. Wala naman daw syang naramdaman na sakit or wat-sow-ebah habang inooperahan o kahit na pagkatapos pa non, nung sya yung binunutan ng ngipin. "Ayos", sa loob-loob ko. Pero hindi naman ako kinakabahan e, curious lang talaga ako kung posible bang ibang ngipin yung mabunot, o mahulog yung karayom sa ineksyon at malunok ko habang nakanganga, o hindi na ko makasalita pagkatapos. Parang pamilyar yung pakiramdam na to noong bago ako tuliin—gusto ko lang matapos na kaagad. Isip ko, balik na ulit ako sa mga raket ko pagkatapos nito.

Pinakita sakin yung x-ray ng panga ko para malaman mabuti yung position ng wisdom tooth. Naka-slant ng unti, nakasandal sa katabi nyang molar. Ewan ko ba kung bakit kung san-san direksyon tumutubo yang mga wisdom tooth na yan, parang wala sa sarili, wisdom pa naman tawag. Anyway, kailangan daw muna hiwain yung wisdom tooth dahil mas madali daw bunutin pag natanggal yung parte na nakadikit sa isa pang molar.

Ilang sandali lang sinimulan na yung operasyon, umabot din to ng mga 1 oras. Dun ko lang naranasan magmumog sa sarili kong dugo. Kahit may anesthesia, ramdam pa rin yung pagbanat sa buto. Nararamdaman ko yung paghila ng ngipin na parang ayaw makalas sa panga. Sabi ng dentista, masyado daw kasi malaki yung wisdom tooth ko, at hindi daw ibig sabihin nun matalino ako.ohhh..okey.lol. Kahit papano pampalubag-loob yung naririnig ko yung Game 7 na laban ng Celtics at Magic, nanggagaling sa TV na nasa kabilang kwarto. Sayang talo Boston, kudos na lang sa Orlando.

Natapos din ako bunutan matapos mawalan ako ng para bang balde-baldeng dugo sa bunganga. Sa wakas, tapos na yung isa..yung nasa kaliwang panga na lang hehe. Pagkauwi sumasakit na yung parteng binunatan at dumudugo ulit, tinext ko yung dentista tungkol dito para malaman kung ano gagawin. Nagreply, "Yes naman may wound"....

Mmmm hokey, so ANO NA GAGAWIN KO? Buti nagtext ulit ng matinong sagot, malakas din pala mantrip tong dentista ko.

Why Pacquiao Won

My passion for sports, especially on basketball and boxing has always directed me to pursue the profession of a sports analyst. Since this fight will probably go down as one of the most memorable matches ever (and also one of the most devastating one-punch knockouts) witnessed in boxing history, I think I'd like to give my frustrated sports analyst career a shot. Now, I am just a boxing fan and I am definitely not a boxing expert but let me try to list down some of the reasons, in my own opinion, why Pacquiao won the fight.

1) The Hitman underestimated Pacquiao—and he paid for it, dearly. Notice the defensive stance of Hatton as soon as the bell sounded for the first round. Usually boxers place their fists up to the same level of the chin as protection from punches directed to the jaw. Hatton's fists are positioned at a noticeably lower level than his chin. For the few instances his fists are on chin level, they aren’t close enough to the face to protect the head. Hatton’s lack of respect for Pacquiao’s power would continue on to the next (and last) round even after absorbing Manny’s punches in the first round. This implies, to me at least, that either he is a boxing amateur (which is definitely not the case) or he is overconfident to the extent of letting his guard down and think that he can outpunch Pacquiao with little or no defense at all. We can easily call it the latter. This overconfidence led to his early naptime on the canvass in the 2nd round.

2) Pacquiao’s defense on Hatton’s signature clinching and body shots. Manny, before his prime was known for his all-out head-on offense, not so now. Aside from keeping his fists up at a defensive level at most times, he was able to find a solution to Hatton’s clinching and trademark body punches. When Hatton tries to clinch, you would see Manny trying to go under the right arm of the opponent. This position makes it harder for Hatton to use his right hand for close punching; and since we know that his right hand is much more powerful than his left (as usual for any Orthodox-stanced boxer) , there is little damage that his left hand can do. Besides, most of the time his left arm is too busy clinching Pacman. If Manny fails however to go under Hatton’s right arm upon clinching, you would notice Pacquiao effectively protects both his body and head with his left arm. All Hatton can do about this is punch Manny at the back of the head, which doesn’t really inflict much damage, especially for someone like Pacquiao.

3) The power of Manny’s right hand—credit this one to Freddie Roach. For Southpaw boxers (lefty), few are able to develop a strong right hand as well as Pacquiao. You might have heard the bout commentators of how Pacquiao’s coach Freddie Roach focused on improving Manny’s power on his right hand. The result was literally a smashing success. This was evident on the first round where Pacquiao landed a right hook that sent Hatton on his knees. It wasn’t just the power but also the accuracy of his right hand. Most of his connections as you may have observed, came from Pacman’s right hooks.

4) The Pacman’s left-handed power punch. You know what I’m talking about.

I was expecting a 5th round KO win by Pacman, he finished it in two. Six world titles in six different divisions, how’s that for a resume? Gear up Floyd, you’re next.